#KuwentongGalingLNC: Luster Lu Anabieza, GalingLNC Youth Volunteer

Sa mga nagdaang linggo, hindi natin maipagkakaila ang participation at efforts ng ating mga volunteers sa community. Ang malaking patunay nito ang LNC Vaccination Hub na patuloy na nakatutulong lalo na sa ating pangarap na ma-achieve ang herd community. Isa sa mga volunteers dito ay si Kuya Luster mula sa MS5 na isang active youth volunteer hindi lamang sa vaccination drive kung ‘di sa iba’t ibang activities sa ating komunidad. Basahin natin ang kanyang kwento #KwentongGalingLNC.


(Larawan ni Luster Lu Añabieza)

“It all started noong bata pa ako. Una akong nag-serve sa chapel namin sa Bohol. Pagdating ng elementary ay tumakbo ako sa student council as a representative. Pagtapak naman ng junior high school ay tumakbo ako bilang vice president at naging president din ako ng isang movement. Nagtuloy-tuloy ito hanggang senior high school at naging vice president ako for public relations.

“April 2016 nang lumipat ako dito sa LNC, noong una ayaw ko pa dahil natatakot ako sa kung anong mangyari kasi hindi talaga ako magaling magsalita ng Tagalog. Ayaw ko rin iwan ang ministry doon sa lugar namin dahil active ako doon pero pagpunta ko dito ay binigyan pala ko ng bagong path na tatahakin, ni-redirect pala ako ni God. Paglipat namin dito, iniisip ko kung ‘Ano kaya ‘yong GalingLNC?’ dahil sa mga posters na nakita ko. Gusto ko talaga mag-volunteer noon kaso akala ko for St. Edward students lang kaya hindi ako nag-volunteer pa hanggang sa nabigyan na ako ng opportunity na sumali through Youth Community Council.

“Nakita ko na sa GalingLNC, nakikita nila ang importance ng youth. Kumbaga GalingLNC is the right platform for the youth to show their skills, to grow, and to be better. Dahil dito, na-motivate akong i-continue ang pag volunteer sa ating community. Bukod pa dito ay ‘yong skills at passion ko sa pagtulong, maybe I’m not the best but alam kong makakatulong ako sa community natin through my skills and ayokong masayang ‘yon. 

“Bilang isang youth leader, may apat (4) akong advocacies na pinanghahawakan. Una ay ang environmental conservation, nagawa ko na ‘to through the parish ministry in Bohol. Noong junior high school ako, nagpropose ako ng coastal clean up at mangrove planting dahil malapit kami sa dagat at ilog. Pangalawa ay public health education, nagawa ko na siya noong nagvolunteer ako sa mga organizations during measles at polio outbreak. Pangatlo ay ang children’s rights and welfare, nagawa ko na rin siya through the help of the organizations. Panghuli ay ang gender equality, I’m a member of an organization kung saan ang pinaglalaban nito ay gender equality, free education for all, women empowerment, and empowerment among all gender.

“Ang mama ko naman ang nag-inspire sa akin para magpatuloy sa journey kong ‘to.  Lagi niyang sinasabi sa akin na kapag may opportunity kang tumulong, tumulong ka. Kapag kaya mo, gawin mo. Bukod pa doon, ang mga taong gumagawa rin ng mabuti sa community ang nag-encourage sa akin upang makatulong din. Isa pa ang mga leaders natin that fight for us and fight with us kasi kagaya nila gusto ko maging boses at mag-amplify ng boses ng hindi nagsasalita, nahihiyang magsalita, o ang walang boses sa community. Siyempre, hindi mawawala ang fellow youth sa aking inspirasyon dahil sila ang rason kung bakit natin ginagawa ito. Iba ang fulfillment na nararamdaman natin kapag nakakatulong. Bukod sa mga inspirasyon, mayroon din akong mga mentors na tumulong sa akin. Una ang adviser ko noong junior high school na nagpush sa akin na gawin ang mga bagay na alam niyang kaya kong gawin dahil dati sobrang mahiyain talaga ako. Pangalawa ay ang adviser ko noong senior high school na nagdala sa amin sa mga orientation at workshops. Pangatlo iyong tita ko dahil siya yung reason kung bakit kami nakapagvolunteer sa isang organization that cares for every child.

“Pinaka-una kong realization na kasama na ko sa GalingLNC community is that my existence is valuable kagaya nga ng sabi ko kanina,  ‘God redirected me’ and iyong plan niya at redirection na ginawa niya sakin ay may purpose pala. Narealize ko rin ‘to sa mga dating ginagawa ko but GalingLNC community gives a different impression in these three: First is the value of unity or the value of living better together kasi dito sa community natin kahit sino ay may boses at nabibigyan ng pagkakataon para ipakita kung anong meron sila. Second is the value of respect, in our community sobrang diverse natin, we respect and understand the differences of every LNCitizen. Third is service, the service of LNCitizens is what makes our community a community.

“Ngayong may pandemya nakikita ko sa Facebook ang mga youth leaders dahil marami akong friends sa Facebook na youth servants. May pinaka hinahangaan ako doon kasi ang dami nilang nagawa at naitulong sa mga tao. Ang dami nilang programs na ginagawa. Sobra akong natutuwa sa mga ipinakita ng mga youth kasi they speak for truth and for the truth. Para naman  sa mga youth na nasa phase pa ng pagdiscover ng leadership at galing within themselves, just take your time. It’s important na makilala niyo yung sarili ninyo, na malaman niyo yung mga capabilities niyo, at alam niyo yung purpose niyo, kasi kapag nasa community ka na dapat alam mo yung mga opinions ng ibang tao, kapag alam mong makakatulong sayo i-embrace mo kasi makakatulong yan sa pag-grow mo.

“Youth’s participation is very important sa community natin, madami tayong nagagawa at madami tayong naiisip na mga fresh ideas and sana gamitin natin ‘yon dahil makakatulong ‘yon sa community natin at pwede rin na maka-encourage ng ibang youth na kumilos din at magpatuloy na magvolunteer.”

Nainspire din ba kayong simulan ang inyong leadership journey mga #GalingLNCYouth? Kagaya ng sabi ni Kuya Luster, just take your time to discover your inner galing. At baka sa susunod ay tayo na mismo ang magbahagi ng ating leadership journey sa iba to motivate them to take action!